Home NATIONWIDE Pacquiao babalik sa Senado

Pacquiao babalik sa Senado

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng boksingero at dating senador na si Manny Pacquiao nitong Biyernes, Mayo 10, na tatakbo siya sa Senado sa 2025 elections.

“Yes, yes… [Under] PFP (Partido Federal ng Pilipinas),” sinabi ni Pacquaio sa isang ambush interview.

Ang PFP ay ang partido ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bukod sa political career, nanalo si Pacquiao ng walong world titles. Siya rin ang kauna-unahang boksingero na nanalo ng lineal championship sa limang iba-ibang weight divisions. RNT/JGC