Home NATIONWIDE Suspension order vs Cebu City mayor isinilbi na ng DILG

Suspension order vs Cebu City mayor isinilbi na ng DILG

MANILA, Philippines – Isinilbi na ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Biyernes, Mayo 10 ang anim na buwang preventive suspension order laban kay Cebu City Mayor Michael Rama at pito iba pang opisyal ng lungsod.

Ayon sa ulat, dala ng mga tauhan ng DILG ang suspension orders ngunit wala si Rama at pito iba pa nang oras na iyon.

Inilagay sina Rama at pito iba pa sa preventive suspension matapos na makitaan ng Ombudsman ng sapat na basehan ang reklamong inihain laban sa kanila na may kaugnayan sa umano’y unpaid salaries at benefits sa apat na regular na empleyado ng City Assessor’s Office mula pa noong Hulyo 2023.

Naghain ng reklamo laban kay Rama at pito iba pa ang apat na empleyado at sinabing sila ay inilipat sa ibang opisina nang hindi nakukuha ang kanilang mga sahod at benepisyo.

Umalma naman si Rama at sinabing nagkulang sa due process sa pagsisilbi ng suspensyon.

Tinawag din niya ang suspension order na “politically motivated.” RNT/JGC