Home METRO Lola utas sa hit-and-run sa QC

Lola utas sa hit-and-run sa QC

MANILA, Philippines – Isang 61-anyos na babae ang nasawi matapos masagasaan ng dalawang SUV sa Barangay Silangan, Quezon City noong gabi ng Mayo 17.

Tumakas ang mga sasakyan matapos ang insidente. Patuloy ang imbestigasyon ng QCPD upang matukoy ang mga sangkot.

Hinihikayat ng pulisya ang publiko na magbigay ng impormasyon sa pinakamalapit na himpilan o tumawag sa QC Helpline 122 upang makamit ang hustisya para sa biktima. Santi Celario