Home ENTERTAINMENT Lolit, nangako, di napanindigan!

Lolit, nangako, di napanindigan!

Manila, Philippines – Ano kaya ang masasabi ni Lolit Solis na hindi napangatawanan ang binitiwang salita na goodbye na raw siya sa social media.

Of all the social media platforms, Lolit is an Instagram user.

‘Yun din bale ang nilalaman ng kanyang daily tabloid column (hindi dito sa Remate Online).

Bago ang 2025, ipinahayag ni Lolit na bibitawan na raw niya ang IG.

Semi-retired na raw kasi siya, at hindi na raw bagay that at her age ay nakikisawsaw pa siya sa mga isyu sa showbiz.

Tila nakalimutan ni Lolit na bukod sa pagiging talent manager ay aktibo rin siya sa pagsusulat.

In fact, sa pagsusulat nga siya nagsimula bago humawak ng mga artista.

Patunay that Lolit failed to make good her promise to stay away from IG ay ang ipinost niya tungkol sa sumagad nang galit ni Bossing Vic Sotto dahil sa binuhay na isyu involving Pepsi Paloma.

Ang kilalang cool at kalmanteng komedyante na mula sa isang respetadong pamilya ay hindi na nakapagtimpi, dahilan para sampahan niya ng kaukulang asunto si direk Darryl Yap.

Misis ni Bossing si Pauleen Luna na isa sa mga alagang artista ni Lolit.

Kung ito ang basehan, puwedeng maunawaan si Lolit.

Gayunpaman, whether may kunek man o wala kay Pauleen or any of her artists, the fact na nakapagbitiw ns si Lolit ng pangako to stay away from social media, dapat ay pinandigan niya ‘yon.

Nasaan ang kredibilidad ni Lolit na kinain din pala ang kanyang salita? Ronnie Carrasco III