MINGLANILLA, Cebu- KULUNGAN ang kinasadlakan ng 74-anyos na lolo matapos dalirutin ang kaselanan ng kanyang 5-anyos na apong babae noong Martes, Setyembre 26 sa lungsod na ito.
Nakakulong ngayon sa Minglanilla Municipal Police Station, ang suspek na itinago sa pangalan Mang Kanor, at residente sa naturang lugar.
Ayon kay Police Captain Kalvin Jomari Golitod, hepe Minglanilla Police Station, nagtungo sa kanilang himpilan ang ina ng bata para pormal na magsampa ng kaso laban sa suspek.
Sa reklamo ng ina, uminda ng pananakit sa ari ang kanyang anak dahilan para tanungin niya ito kung ano ang nangyari.
Dito, nagsumbong sa kanya ang anak na pinasok ng kanyang lolo (suspek) ang daliri nito sa kanyang kaselanan.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang ina at agad na nagtungo sa himpilan ng pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Sa ngayon hinihintay na lamang ng pulisya ang resulta ng medical examination sa Pink Room sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek.
Depensa naman ng suspek may galit sa kanya ang ina ng bata kaya siya ipinakulong nito. Mary Anne Sapico