Home METRO Lolo nalunod sa party ng apo

Lolo nalunod sa party ng apo

MANILA, Philippines – Patay ang isang 63-anyos na lolo matapos na malunod kasabay ng birthday celebration ng apo nito sa Naic, Cavite.

Ayon sa Region 4A police, kinilala ang biktima na si Marticio Valdez, na kasama ang kanyang pamilya na nagtungo sa isang resort sa Barangay Sahud Ulan, Naic, para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang apo.

Matapos ang inuman, umalis ang lolo para lumangoy ngunit hindi na nakabalik pa.

Kalaunan ay nakita itong wala nang malay at nakahiga sa baybayin.

Nasawi ang lolo habang dinadala sa ospital. Isasailalim pa sa post-morten examination at autopsy ang biktima upang matukoy kung ano ang sanhi ng pagkamatay nito.

Sa ngayon ay itinala ng pulisya ang insidente bilang isang kaso ng “alleged drowning.” RNT/JGC