Home NATIONWIDE Lookout order vs Leviste, iba pa hiniling ng NBI

Lookout order vs Leviste, iba pa hiniling ng NBI

1
0

MANILA, Philippines – Hiniling ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-isyu ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay Batangas Rep. Leandro Leviste at iba pang indibidwal na sangkot umano sa planong pag-frame kay Executive Secretary Ralph Recto.

Ayon sa ulat, kasama sa hiniling na ILBO sina Leviste, dating mambabatas Jing Paras at lima pang indibidwal.

Kaugnay ito ng reklamo ng NBI na qualified human trafficking laban sa mga respondent dahil sa umano’y planong paglikha ng kaso laban kay Recto.

Kasalukuyan pang sinusuri ng Department of Justice ang reklamo. Maaari itong ibalik sa NBI para sa karagdagang impormasyon o ituloy sa preliminary investigation.

Nauna nang nagsagawa ang NBI ng entrapment operation kung saan nailigtas ang ilang indibidwal na umano’y biktima ng naturang plano.

Ayon sa ilan sa mga nailigtas, sinabi umano ni Paras na babayaran sila para gumawa ng kuwento at lumagda sa affidavit, na ibibigay umano nang hulugan habang umuusad ang kaso.

Itinanggi naman ng kampo ni Leviste ang pagkakasangkot nito sa umano’y plano. Sinabi naman ng kampo ni Paras na kusang lumapit sa kanila ang umano’y talent manager para tumestigo at humingi ng tulong sa paggawa ng affidavit. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here