Home NATIONWIDE Senate voting threshold sa impeachment, pinagdedebatehan

Senate voting threshold sa impeachment, pinagdedebatehan

1
0

MANILA, Philippines – Tinanggihan nina House impeachment team adviser at spokesperson Ace Barbers at Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. ang babala ng kampo ni Vice President Sara Duterte na maaaring gamitin ang pagbaba ng conviction threshold upang targetin ang mga senator-judge at maimpluwensiyahan ang resulta ng impeachment trial.

Ayon kay Duterte spokesperson Salvador Paolo Panelo Jr., maaaring magkaroon ng insentibo ang mga nasa kapangyarihan na kasuhan o targetin ang mga senador na inaasahang boboto laban sa kanilang nais na resulta kung ibababa ang bilang ng kailangang boto.

Sinabi ni Barbers na speculative ang naturang argumento at dapat harapin ng mga senador ang anumang kaso batay sa ebidensiya at legal na proseso.

“Just because Atty. Panelo said that does not necessarily mean it is the correct opinion. As Cong. Benny said, it is speculative,” ani Barbers.

Samantala, sinabi ni Abante na kailangang isaalang-alang kung ang mga senator-judge ay nakasubaybay sa paglilitis at sa mga ebidensiyang iniharap ng magkabilang panig bago sila makilahok sa paghatol.

Sa ilalim ng Konstitusyon, kailangan ang “two-thirds of all the Members of the Senate” para mahatulan sa impeachment. Una nang itinakda ni Presiding Officer Sen. Francis “Chiz” Escudero ang 16 na boto batay sa 24 na miyembro ng Senado.

Gayunman, sinabi ni Abante na hindi tahasang binanggit sa Konstitusyon ang numerong 16.

“Nothing was said about 16. What was said was ‘two-thirds of all members’,” ani Abante.

Nagkakaiba rin ang pananaw ng mga retiradong mahistrado ng Korte Suprema na inimbitahan bilang amici curiae. Sina Artemio Panganiban, Reynato Puno at Hilario Davide Jr. ay naglahad ng mga interpretasyong maaaring magpahintulot sa ibang denominator sa ilang sitwasyon, habang si retired Associate Justice Adolfo Azcuna ay nanindigang dapat manatili ang 24 na senador bilang basehan.

Sinabi din ni Barbers na ang Senado ang may kapangyarihang magpasya sa impeachment case at sa usapin ng voting threshold. Maghahain ng oral arguments ang prosecution at defense sa Setyembre 23 bago magpasya ang impeachment court kung pananatilihin o babaguhin ang 16-vote requirement. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here