Home ENTERTAINMENT Lotlot, humihingi ng dasal sa biological dad!

Lotlot, humihingi ng dasal sa biological dad!

Manila, Philippines – Kahit adopted child si Lotlot de Leon, ina-acknowledge pa rin niya ang kanyang tunay na ama.

Isang Amerikano ang biological dad ni Lotlot na nasaksihan daw nang ipanganak siya.

Hindi nga lang ito nakasama ni Lotlot hanggang lumaki siya dahil meron na rin daw itong pananagutan.

But in fairness to the father, he has seen through Lotlot’s growing up years kahit sa pamamagitan lang ng mga larawan.

May kaibigan kasi ang kanyang tunay na erpat na nakabase sa Pinas.

Kaya aware din ito sa naging buhay ni Lotlot until she became a parent herself.

Sa ngayon, medyo depressed ang aktres nang mabalitaang maysakit ang kanyang ama’t nasa isang pagamutan sa US.

“See you soonest, papa!” ang mensahe ni Lotlot.

If ever, that won’t be the first time na magkikita ang ama.

“Please say a little prayer for him,” nagsusumamong pakiusap ni Lotlot.

Bale ba, ang ibinahaging ito ni Lotlot ay tumiyempo pang Father’s Day nitong nagdaang Linggo.

At the same time, hindi naman nakaligtaang batin din ni Lotlot ang kanyang adoptive father na si Christopher de Leon.

Isn’t Lotlot blessed for having two loving dads? Ronnie Carrasco III