Manila, Philippines- Nag-post ng open letter si Lotlot de Leon sa pumanaw na inang si Nora Aunor para ibalita na engaged na ang bunsong kapatid na si Kenneth sa longtime partner nitong si Sam.
Makikita sa video na ipinost ni Lotlot ang proposal nga ng bunsong anak ni Ate Guy sa longtime partner, sa 7th birthday ng anak nilang si Summer.
“Ma, magkakasama kami kanina. Birthday ni Summer, apo mo. Si Ken naman, ang bunso mo, natin, nag-propose na kay Sam. He asked for her hand in marriage,” saad ng aktres.
“Super happy kami na naging bahagi kami ng espesyal na araw na ‘to, at alam kong napangiti ka niya. Alam naming matagal mo nang ibinigay ang basbas mo para sa kanila,” mensahe pa ni Lotlot sa ina.
“Ken, sobrang proud ako sa ‘yo. You’ve grown into such a loving dad to Summer and a devoted partner to Sam, na magiging misis mo na! And Sam, thank you for loving my brother, you’re such a blessing to him.
“Lagi kaming nandito para sa ‘yo, Ken and Sam, kaming mga kapatid n’yo.
“Mahal na mahal ka namin, Ken, pati na rin ang munting pamilya mo. Congratulations, Ken & Sam! We love you!” ang message naman ni Lotlot para sa newly-engaged couple.
Sa comment section ay makikitang bumati rin ang ama nilang si Christopher de Leon at misis nitong si Sandy Andolong. Rommel Placente