Home ENTERTAINMENT Lotlot, na-bash sa movie with Vilma!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Lotlot, na-bash sa movie with Vilma!December 14, 2024 13:26 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Mismong mga loyalista ni Nora Aunor ang mga basher ngayon ni Lotlot de Leon.Dahilan–hindi nila gusto ang pakikipagtrabaho ni Lotlot kasama si Vilma Santos.Isa kasi si Lotlot sa mga cast members ng Uninvited, isa sa 10 official entries sa Metro Manila Film Festival.Lead stars dito sina Vilma, Aga Muhlach at Nadine Lustre.Kung tutuusin, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataong nagkasama sa pelikula sina Vilma at Lotlot.The first one was in When I Met You in Tokyo, last year’s entry to the MMFF.Gayunpaman, pinalagan pa rin ng mga loyal Noranians ang pakikipagtrabaho ni Lotlot sa arch rival ng kanyang ina.Kaya naman abut-abot ang pakiusap ni Lotlot na unawain siya.Aniya: “Nagtatrabaho lang po ako. Walang isyu ‘yon dahil close naman sina Tita Vilma at ang nanay ko.”Sa katunayan daw, inaanak ni Vilma ang kapatid niyang si Kiko.Ibig sabihin, magkumare sina Nora at Vilma.Giit pa ni Lotlot: “Mommy loves Tita Vilma as much as she loves my mom. Tita Vilma is like family to us.”Sinamantala nga ni Lotlot to have a picture taken with Vilma.Sa last day of shoot ‘yon ng Uninvited with director Dan Villegas also in the photo.Grateful si Lotlot for having worked anew with the Star for All Seasons: “Thank you, Tita Vilma, for your kindness and warmth!”Hindi ba dapat ay ikatuwa pa itong lalo ng mga tagasuorta ni Nora dahil malinaw na wala naman talagang isyu sa pagitan ng dalawang mahusay na aktres?Lawak-lawakan kaya natin ang ating pang-unawa? Ronnie Carrasco III