Home NATIONWIDE Lotto bettor sa S. Cotabato wagi ng P39.3-M jackpot

Lotto bettor sa S. Cotabato wagi ng P39.3-M jackpot

142
0

MANILA — Isang mananaya mula sa South Cotabato ang nanalo ng P39.3-milyong jackpot prize sa Lotto 6/42 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Huwebes.

Nahulaan ng nanalong bettor ang kombinasyong 33-32-18-01-10-04 na nagkakahalaga ng P39,385,042.44 na jackpot prize.

Samantala, wala namang nanalo sa P88,820,774.31 jackpot prize ng Superlotto 6/49 matapos walang makakuha ng tamang kombinasyon na 23-37-48-44-39-25.

Isinasagawa ang Lotto 6/42 draw tuwing Martes, Huwebes, at Sabado, habang ginaganap naman ang Superlotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here