Home NATIONWIDE Malaimpyernong panahon, ibinabala na ng PAGASA

Malaimpyernong panahon, ibinabala na ng PAGASA

179
0

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko na mag-ingat sa inaasahang mas mainit na panahon at mataas na heat index sa ilang bahagi ng bansa hanggang Mayo dulot ng mas malalakas na easterlies.

Ayon kay Nathaniel Servando, administrador ng PAGASA, hindi El Niño ang sanhi ng pagtaas ng temperatura dahil umiiral pa rin ang La Niña sa kasalukuyan.

Dagdag niya, patuloy pa ring nararanasan ang mga bugso ng northeast monsoon o “amihan,” at posibleng ideklara ang pagtatapos ng amihan season sa ikatlo o ikaapat na linggo ng Marso.

Sinabi ni Servando na maaaring umabot sa pagitan ng 28°C sa Cordillera hanggang 37.9°C sa Cagayan Valley ang temperatura sa araw ngayong buwan.

Inaasahan namang mararanasan ang mas mataas na heat index sa Palawan, Panay Island partikular sa Iloilo, Negros Island, at iba pang baybaying lugar na may mataas na humidity. Maaaring umabot ang heat index mula sa caution hanggang danger level.

Batay sa heat index chart ng PAGASA, kabilang sa Caution level ang 27°C hanggang 32°C; Extreme Caution, 33°C hanggang 41°C; Danger, 42°C hanggang 51°C; at Extreme Danger, 52°C.

Hinimok din ni Servando ang publiko na sundin ang mga abiso ng Bureau of Fire Protection dahil Fire Prevention Month ang Marso.

Babala pa niya, simula Abril hanggang unang bahagi ng Mayo, mas maraming lugar ang maaaring makaranas ng extreme caution hanggang danger-level heat index, at may ilang lugar lalo na sa mga baybaying lugar at highly urbanized cities na posibleng umabot sa extreme danger level.

“We encourage the public to avoid going outdoors, especially at noon. Drink lots of clean water, and wear light and light-colored clothes,” aniya.

“Immediately consult a doctor if you feel that the body temperature is too high, or if you experience redness and dryness of the skin, headache, vomiting, muscle fatigue, and cramps.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here