Home OPINION PAGTITPID VS MAHAL NA LANGIS

PAGTITPID VS MAHAL NA LANGIS

296
0

TAMA lang ang mga hakbangin ngayon ng pambansang pamahalaan at mga lokal na pamahalaan na magpairal ng pagtitipid sa paggamit ng langis, partikular ang mga produktong petrolyo na gasolina, diesel at kerosene.

Kasama na rin dito hangga’t kinakailangan ang katulad ng liquified petroleum gas, liquid natural gas, aviation gas at iba pa.

Napakataas nang presyo at pagliit ng suplay ng langis ang nagaganap dahil sa digmaan sa Middle East na kinasasangkutan ng Iran laban sa United States at Israel.

HALIMBAWA NINA MAYOR ISKO AT SY

Dalawa nang lokal na opisyal ang nag-utos ng pagtitipid ng pagkonsumo ng langis sa kani-kanilang pamahalaan.

Nauna si Mayor Isko Moreno sa Maynila at sumunod si Mayor Jem Sy sa Marilao, Bulacan.

Sa bisa ng Executive Order No. 7, Series of 2026, iniutos ni Mayor Isko ang 50 porsyentong pagtitipid ng langis sa lahat ng ahensya ng Manila local government.

Saklaw ng nasabing kautusan ang paggamit ng mga sasakyang pag-aari ng lungsod, generator sets, at iba pang kagamitan na nangangailangan ng langis.

Gayunman, hindi nito saklaw ang mga serbisyong pang-emergency gaya ng pulisya, ambulansya, bumbero, healthcare, disaster response at iba pa.

Naging epektib kaagad ang kautusan at mapapawalam-bisa lamang ito sa oras na bumalik sa normal ang kalagayan ang suplay ng langis.

Naglabas naman si Mayor Sy ng Memorandum No. 2026-13 para agad ipatupad ang pagtitipid din para sa conservation and energy efficiency sa lahat ng tanggapan ng pamahalaang bayan.

Lahat ng department at section heads ay inutusan na magtipid ng langis sa gitna ng paghahatid ng tuloy-tuloy na serbisyo publiko.

Sakop ng memorandum ang pagbabawas ng paggamit ng fuel sa government vehicles, generators, heavy equipment at iba pang makinang gumagamit ng petrolyo.

Kasabay niro ng pagpapairal ng trip ticket system sa mga opisyal ng sasakyan, grupong pagsasagawa ng field activities at pagsuspinde sa mga hindi mahalagang biyahe.

KILOS PAGONG

Sa hanay naman ng pambansang pamahalaan, tila usad-pagong ang pagsasapatupad ng mga pagtitipid.

Sinasabi ng Malakanyang na pag-aaralan pa nito ang mungkahing 4-day work week habang may mungkahi si Senador Win Gatchalian na 4-day work week na may kasamang isang araw na work from home.

Naiintindihan naman natin ito bilang pambansang saklaw dahil maaapektuhan ang buong ekonomiya…kung saklawin ng mga patakarang pagtitipid ang mga pribadong opisina at kompanya.

Ngunit kung tutuusin, pwede na ring iutos ang mga pagtitipid sa mga tanggapan mismo ng Malakanyang hanggang sa mga departamento at rehiyon.

Maging ang tanggapan ng Senado at mga tanggapan ng mga senador mismo.

Kung nagawang gawin ang mga pagtitipid kaagad ng mga lokal na pamahalaan, ganito rin dapat ang pambansang pamahalaan.

Nasa mga pribadong kompanya naman ang paggawa ng sarili nilang patakaran laban sa delikadong suplay ng langis at napakamahal presyo nito.

Mismong ang Department of Energy ang nagsasabing maaaring magkakaroon ng patong na P10 bawat litro ng mga produktong petrolyon sa susunod na linggo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here