Home OPINION GIYERANG EDCA SA CHINA-TAIWAN WAR

GIYERANG EDCA SA CHINA-TAIWAN WAR

204
0

MAHIGPIT na nagbabantay ngayon ang China sa nagaganap na digmaan sa Gitnang Silangan at ayon sa ilang tagasubaybay rito, maaaring madamay ang girian ng China at Taiwan.

Isa mga sinusubaybayan ang pagtanggal ng United States ng mga armas nito na nakaistasyon sa South Korea at Japan para dalhin ang mga ito sa mga bansang kakampi nila sa Middle East na inaatake ng Iran, Hezbollah at Yemen.

Kasama sa malalakas na armas na umano’y maaaring ilipat ng US ang mga THAAD at Patriot na kontra missile at eroplano dahil dumarami na ang mga ganitong armas ang nasisira sa Iran-US, Israel war, bukod pa ang pagkaubos ng bala o missile ng mga ito laban sa Iran na nagpapaulan ng mga drone sa Israel, Qatar, United Arab Emirates, Saudi Arabia, Qatar, Oman, Bahrain, Jordan at iba pa.

Binubunot din ng US ang mga barkong pandigma nito mula sa Asya-Pasipiko para lang sumali sa giyera.

Sabi ng mga tagasubaybay, paano kung samantalahin ng China ang kaguluhan sa Middle East at kunin na nito ang Taiwan sa pamamagitan ng pwersa o digmaan dahil sa paghina ng pwersa ng mga Amerikano sa Asya-Pasipiko?

Bigla tuloy nating naalaala ang maraming EDCA site sa Pinas na nakapwesto sa Luzon, Visayas at Mindanao at may mga armas ng mga Kano.

Naiisip natin ito, mga brad, batay sa ginawa ng Iran na inatake nito ang mga base militar ng US sa nabanggit na mga bansa kasabay nang pagpulbos nito sa Israel at pagtira sa mga pwersang US sa mga karagatan.

Maaaring ring isama ng China na kaagad atakehin ang mga EDCA site sa bansa upang hindi magamit ang mga ito ng mga Amerikano laban sa mga pwersa ng China na aatake sa Taiwan.

O paano?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here