Home NATIONWIDE Lotto bettors bokya sa P130M combined jackpot

Lotto bettors bokya sa P130M combined jackpot

MANILA, Philippines – Bokya ang mga mananaya sa dalawang major lotto draw na ginanap ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi, Marso 11.

Hindi naiuwi ang P8.9 milyon na jackpot sa Mega Lotto 6/45 draw dahil hindi nahulaan ang kumbinasyong 07-23-15-03-42-06.

Wala ring nanalo ang Grand Lotto 6/55 draw para sa mga numerong 53-39-30-54-11-40, na may jackpot na P122 milyon.

Samantala, ang mga nanalong numero para sa digit na laro ay 7-9-8-9 para sa 4D Lotto, 8-8-2 para sa 3D Lotto, at 02-21 para sa 2D Lotto. RNT

Previous articleKALAYAAN WALANG KAPALIT AT OWWA
Next articleRollback sa produktong petrolyo umarangkada na