Home NATIONWIDE Rollback sa produktong petrolyo umarangkada na

Rollback sa produktong petrolyo umarangkada na

MANILA, Philippines – Kasado ngayong Martes, Marso 12 ang bahagyang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Base sa abiso ng Seaoil Philippines Corp. at Pilipinas Shell Petroleum Corp. nasa P0.50 per liter ang ipinatupad nilang rollback sa presyo ng gasolina, P0.25/L sa diesel, at P0.30/L sa kerosone.

Ganoon din ang ipinatupad na tapya-presyo ng Cleanfuel at Petro Gazz, maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.

Ipinaliwanag ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na ang rollback ay bunsod ng fluctuating demand concerns sa China at Amerika, at ang magtaas ng supply ng langis mula sa mga bansang hindi kasapi ng OPEC.

Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng rollback sa gasolona ng P0.50/L, habang nabawasan naman ang diesel ng P0.40, pati ang kerosene ng P0.35.

Mula Enero hanggang Marso 5, nagkaroon na ng net increase ng P5.95 per liter sa preyo ng gasolina, P4.05 per liter sa diesel, at P0.05 per liter naman sa kerosene. RNT

Previous articleLotto bettors bokya sa P130M combined jackpot
Next articleProseso ng pagdeklarang Santo sa 13-anyos na Ilokana pinahintulutan na ng Vatican