Home NATIONWIDE Proseso ng pagdeklarang Santo sa 13-anyos na Ilokana pinahintulutan na ng Vatican

Proseso ng pagdeklarang Santo sa 13-anyos na Ilokana pinahintulutan na ng Vatican

MANILA, Philippines – Binigyang pahintulot ng Vatican ang proseso sa pagtatanong sa posibleng pagiging santo ng 13-taong-gulang na Ilokanang si Niña Ruiz-Abad.

Nitong ng mga nakaraang araw nang inatasan ng Dicastery for the Causes of Saints ang Diocese of Laoag na tingnan ang reputasyon at kabanalan ni Abad.

Sinabi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ang batang tubong Ilocos Norte ay may malakas na debosyon sa Eukaristiya noong siya ay nabubuhay pa.

Naging inspirasyon din ang kanyang pananampalataya sa buong probinsya.

Namatay si Abad sa sakit sa puso noong siya ay 13 taong gulang.

Ang proseso ng beatification at canonization para kay Abad ay magsisimula sa Abril sa Saint William’s Cathedral sa Laoag. RNT

Previous articleRollback sa produktong petrolyo umarangkada na
Next articleRisa taas-kilay sa 17 kondisyon ni Quiboloy sa pagsipot sa Senado