Home HOME BANNER STORY Risa taas-kilay sa 17 kondisyon ni Quiboloy sa pagsipot sa Senado

Risa taas-kilay sa 17 kondisyon ni Quiboloy sa pagsipot sa Senado

MANILA, Philippines – Inilarawan ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na “out of this world” ang sinasabing 17 kondisyon ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader na si Pastor Apollo Quiboloy bago ito humarap sa pagtatanong ng Senate Committee on Women, Children, Family and Gender Equality.

Sa isang press briefing, sinabi ni Hontiveros na ito ang unang pagkakataon na nakatagpo siya ng isang resource person na naglagay ng mga kondisyon bago dumalo sa isang Senate inquiry.

“Ang masasabi ko lang dyan, bakit Senado ang mag-aadjust sa kanya?,” ani Hontiveros.

“Hindi babaluktot ng Senado ang mga alituntunin at pamamaraan nito para sa iyo, Pastor Quiboloy, kahit na ikaw ay, gaya ng sinasabi mo, isang self-appointed na anak ng Diyos,” aniya pa.

Ang unang sinasabing kondisyon na binanggit ni Hontiveros ay nag-utos sa panel na “unmask and show the full faces of your witnesses, no mask, no dark eyeglasses, no caps, bonnets, or head covering of any kind.”

Saad pa sa isang kondisyon ni Quiboloy na: “I retain the right to personally cross examine your witnesses. Kasama ka dyan Madam Chair (No time limit).”

Sa kabila nito, aminado si Hontiveros na nakita lang niya ang mga sinasabing kundisyon na kumakalat sa social media at wala pang opisyal na komunikasyon ang kanyang natanggap mula sa kampo ni Quiboloy.

“Sana nga hindi totoo eh kaya lang pinamumudmod talaga nila [sa social media],” aniya pa. RNT

Previous articleProseso ng pagdeklarang Santo sa 13-anyos na Ilokana pinahintulutan na ng Vatican
Next article17 Pinoy crew sa barkong sinamsam ng Houti ligtas pero ‘di pa makauuwi