MANILA, Philippines — Walang pinalad na manalo sa mga major draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado, Hunyo 7, 2025.
Sa Lotto 6/42, ang winning numbers ay 21-22-32-33-31-03, na may jackpot prize na P7,027,614.20. Wala ring nakakuha ng tamang kombinasyon.
Samantala, sa Grand Lotto 6/55, ang nanalong kombinasyon ay 17-19-02-06-09-42, kung saan ang premyo ay umabot sa P31,679,141. Gayundin, wala ring nanalo sa draw na ito.
Samantala, sa 6D Lotto, ang lumabas na winning combination ay 0-3-5-8-6-0, na may jackpot prize na P3,000,349.76. Ayon sa PCSO, wala pa ring nanalo sa naturang draw.
Patuloy ang paalala ng PCSO na ang mga kita mula sa lotto games ay napupunta sa mga programang pangkawanggawa ng gobyerno. RNT