MANILA, Philippines- Magdudulot ng pag-ulan ang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa Davao Region at SOCCSKSARGEN ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.
Matatagpuan ang LPA tinatayang 695 km east ng General Santos City kaninang alas-3 ng madaling araw, base sa weather bureau.
Posibleng maging tropical depression ang low pressure area, ayon sa ulat.
Ang coastal waters ay magiging slight to moderate sa buong bansa.
Sumikat ang araw ng alas-5:35 ng umaga at lulubog ng alas-6:12 ng hapon. RNT/SA