MANILA, Philippines – Sinusubaybayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Magdadala ito ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa ilang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sa kabila nito, sinabi ng weather bureau na hindi inaasahang magiging bagyo sa loob ng 24 oras.
Maaapektuhan din ng frontal system ang Batanes at Babuyan Islands, habang ang easterlies ang magiging sanhi ng mga panaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa. RNT