Home METRO Wanted na ginang arestado sa kasong carnapping

Wanted na ginang arestado sa kasong carnapping

89
0

MANILA, Philippines- Nasakote ang 53-anyos na ginang na wanted sa kasong carnapping sa Pasig City matapos matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Lungsod ng Caloocan.

Sa ulat, nakakuha ng warrant of arrest ang mga tauhan ni Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 para kay alyas “Juliet Jardin”, na kabilang sa mga Most Wanted Persons sa naturang lungsod.

Nang makatanggap ng mga tauhan ni Gen. Ligan ang impormasyon kung saan nagtatago ang akusado, agad niyang iniutos sa District Anti-Carnapping Unit (DACU) ang pagdakip sa suspek.

Kaagad namang ikinasa ng DACU-NPD ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Juliet Jardin dakong alas-2:50 ng hapon sa kanyang tinutuluyang lugar sa Caloocan.

Binitbit ang akusado sa bisa ng naturang warrant of arrest para sa paglabag sa R.A 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016 na may inirekomendang piyansa na P300,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng NPD habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here