Home NATIONWIDE LPA nagbabadyang maging tropical depression sa loob ng 24 oras – PAGASA

LPA nagbabadyang maging tropical depression sa loob ng 24 oras – PAGASA

246
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng state weather bureau na PAGASA nitong Huwebes na ang low pressure area (LPA) na mino-monitor sa Northern Luzon ay mayroong “high” chance na maging tropical depression sa susunod na 24 oras.

Ayon sa ulat, hanggang alas-10 ng umaga, namataan ang LPA sa katubigan malapit sa Itbayat, Batanes.

Sakaling lumakas, ang weather system ay tatawaging Tropical Depression Auring, ang kauna-unahang tropical cyclone na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong tag-ulan.

Samantala, patuloy ang Tropical Storm Wutip, nananatili sa labas ng PAR, na kumilos patungong Southern China. Huli itong namataan 1,085 kilometers west ng Northern Luzon, na may maximum sustained winds hanggang 65 kilometers per hour.

Patuloy ang pagbabantay ng PAGASA sa developments at pinapayuhan ang publiko na manatiling updated sa pamamagitan ng official channels para sa potensyal na storm bulletins at advisories. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here