Home NATIONWIDE LPA namataan malapit sa Gensan

LPA namataan malapit sa Gensan

MANILA, Philippines – Namataan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) sa layong 365 kilometro silangan, timog-silangan ng General Santos City nitong Miyerkules, Hunyo 26.

Ayon sa PAGASA, pumasok ang LPA sa Philippine Area of Responsibility (PAR) alas-8 ng umaga.

“Meron tayong namataan na LPA na nasa loob po ng ating Philippine Area of Responsibility at naka-embed o nakapaloob po ito doon sa ating [intertropical convergence zone] ITCZ,” sinabi ni PAGASA weather specialist Benison Jay Estareja.

Ani Estareja, magdadala ng malakas na pag-ulan ang LPA at ITCZ sa Caraga, Davao, Soccsksargen, at Northern Mindanao.

Sa kabila nito, maliit ang tsansa na maging bagyo ang LPA at posibleng malusaw din sa susunod na 24 o 26 na oras.

Inaasahang magiging stationary ito at mabagal na kikilos pa-kanluran. RNT/JGC