Home NATIONWIDE LPA namataan malapit sa Mindanao

LPA namataan malapit sa Mindanao

MANILA, Philippines – Namataan ang isang Low Pressure Area (LPA) sa layong 905 kilometro silangan ng Southeastern Mindanao nitong Martes ng hapon, Marso 25.

Ayon sa PAGASA, ang naturang LPA ay magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Mindanao at Eastern Visayas.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm naman ang aasahan sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa easterlies. RNT/JGC