Home HOME BANNER STORY Panawagan sa pagbibitiw ni PBBM walang kwenta – Bato

Panawagan sa pagbibitiw ni PBBM walang kwenta – Bato

MANILA, Philippines – Tinawag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na walang kwenta ang panawagan na magbitiw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Useless ‘yan kasi hindi…talaga ‘yan bababa. Bababa ba ‘yan kahit anong pananawagan mo diyan, bababa ba ‘yan? Hindi man ‘yan bababa,” sinabi ni Dela Rosa sa isang panayam.

“Ewan ko lang kung makinig siya diyan. Makinig kaya siya diyan?” dagdag pa niya.

Sa pinakahuling pagtitipon kasi sa The Hague, Netherlands, ipinanawagan ng mga tagasuporta ni Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Marcos.

Sumagot din si Vice President Sara Duterte na nasa pagtitipon at sinabing, “Kayo ang nagsabi niyan, hindi ako ah [You are the ones saying it, not me].”

“Bakit ba kailangan mag-resign? Dahil hindi mo pinapakita sa taumbayan na maayos kang mag isip at kaya mo ang mamuno,” dagdag ni VP Sara.

“Kung pinagre-resign po nila ang Pangulo, sino ba ang makikinabang [If they are asking for the President’s resignation, who will benefit from it]?” tugon naman ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa naturang isyu. RNT/JGC