MANILA, Philippines – Ang Palawan, Visayas, at Mindanao ay maaapektuhan ng Southwest Monsoon (Habagat) na magdadala ng mga pag-ulan sa ilan pang lugar ngayong Lunes, sabi ng PAGASA.
Ang Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan, Western Visayas, Negros Island Region, at Central Visayas ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon. Ang katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan ay maaaring magresulta sa flash flood o landslide.
Ang Mindanao, Cavite, Batangas, ang natitirang bahagi ng Mimaropa at Visayas ay maaaring asahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat. Sa panahon ng matinding bagyo, maaaring magresulta ang flash flood o landslide.
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon sa kabilang banda ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms. Ang mga flash flood o landslide ay posibleng magresulta sa matinding pagkulog.
Binabantayan din ng weather bureau ang isang low pressure area (LPA) silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.
Alas-3 ng umaga, ang LPA ay tinatayang nasa 1,155 km silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon (24.1°N, 132.5°E).
Ang mga tubig sa baybayin ay magiging bahagyang hanggang katamtaman sa buong bansa.
Sinabi ng PAGASA posibleng palakasin ng LPA ang habagat.
Sumikat ang araw ng alas-5:40 ng umaga habang lulubog ito ng alas-6:24 ng gabi. RNT