Home NATIONWIDE LPA sa loob ng PAR posibleng maging bagyo – PAGASA

LPA sa loob ng PAR posibleng maging bagyo – PAGASA

MANILA, Philippines- Posibleng maging bagyo ang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

“Base sa pinakahuling datos natin, hindi natin inaalis yong posibilidad na ito ay maging bagyo sa mga susunod na araw,” pahayag ni PAGASA weather specialist Obet Badrina nitong Miyerkules.

Anang PAGASA, magdudulot ang trough o extension ng LPA ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa Cagayan Valley at sa Cordillera Administrative Region.

Inaasahan din ang parehong lagay ng panahon sa ilang bahagi ng Visayas, Mindanao, Bicol Region, Mimaropa, Zambales, Bataan, at Quezon, subalit dulot ng southwest monsoon o habagat.

Makararanas naman ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa habagat at localized thunderstorms.

Huling namataan ang LPA, na nabuo nitong Lunes, 570 kilometers east ng Aparri, Cagayan, base kay Badrina. RNT/SA

Previous articleRihanna, nagsilang ng baby boy, wala pang pangalan!
Next articleKorean restaurant nilooban; 1 sa 6 suspek timbog!