Home METRO Tubig sa Marikina River humuhupa na; 2nd alarm na lang

Tubig sa Marikina River humuhupa na; 2nd alarm na lang

258
0

MANILA, Philippines – Ibinaba sa ikalawang alarma ang Marikina River ngayong Martes ng umaga matapos bumaba ang tubig, ayon sa Marikina Public Information Office.

Alas-5:23 ng umaga, nasa 17.7 metro ang lebel ng tubig, at bumaba pa sa 17.5 metro pagsapit ng alas-6. Lunes ng gabi itinaas ang ikatlong alarma nang umabot ito sa 18 metro, na nangangahulugan ng sapilitang paglikas.

Sa alert system ng lungsod: unang alarma sa 15 metro (maghanda), ikalawa sa 16 metro (lumikas), at ikatlo sa 18 metro (sapilitang paglikas).

Patuloy namang magdadala ng ulan ang Habagat sa Metro Manila, CALABARZON, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, at Occidental Mindoro, na posibleng magdulot ng baha at landslide, ayon sa PAGASA. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here