Home HOME BANNER STORY Pasok sa iskul, gobyerno sa NCR, 10 probinsya, sinuspinde ng Malakanyang

Pasok sa iskul, gobyerno sa NCR, 10 probinsya, sinuspinde ng Malakanyang

277
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Malacañang ang suspensyon ng trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa Martes, Hulyo 22, sa National Capital Region at mga karatig-probinsiya dahil sa tuloy-tuloy na ulan dulot ng Habagat.

Kabilang sa apektado ang Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal, Pangasinan, Tarlac, at Occidental Mindoro, ayon kay Presidential Communications Secretary Dave Gomez.

Pinahintulutan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Interior Secretary Jonvic Remulla na ianunsyo ang suspensyon matapos ang rekomendasyon ng Office of Civil Defense.

Ayon sa Memorandum Circular No. 89, dapat manatiling bukas ang mga ahensiyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo, habang maaaring gumamit ng alternative work arrangements ang iba. Sa pribadong sektor, nasa desisyon ng mga kumpanya kung magpapatigil ng trabaho.

Dagdag pa, maaaring magdeklara ng localized suspension ang mga lokal na opisyal kung kinakailangan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here