Home METRO LRT-2 tigil-biyahe sa March 28-31

LRT-2 tigil-biyahe sa March 28-31

MANILA, Philippines- Suspendido ang operasyon ng Light Rail Transit-2 (LRT-2) mula March 28 hanggang 31 upang bigyang-daan ang maintenance activities, ayon sa pamunuan nito noong Biyernes.

“Magpapatupad ng tigil-operasyon ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa Semana Santa, mula March 28 hanggang March 31, 2024 (Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay) para bigyang-daan ang annual maintenance activities ng LRT-2,” anunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa Facebook.

Ayon pa sa LRTA, paiiksiin nito ang operating hours sa Holy Wednesday, March 27.

Aalis ang unang LRT-2 train sa Recto at Antipolo stations ng alas-5 ng madaling araw sa March 27 habang lilisan ang huling tren mula sa parehong istasyon ng alas-7 ng gabi, base sa LRTA.

Muling gugulong ang regular na operasyon ng LRT-2 sa April 1, dagdag nito. RNT/SA

Previous article3 sugatan sa sunog sa Valenzuela
Next article‘Letterally challenged’ NBI sign tinakpan ng LRT-1