Home METRO 3 sugatan sa sunog sa Valenzuela

3 sugatan sa sunog sa Valenzuela

MANILA, Philippines- Tatlo ang inisyal na iniulat na sugatan kabilang ang isang 2-anyos na bata sa isang sunog na sumiklab sa residential area sa Barangay Lingunan, Valenzuela City kahapon ng umaga.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagtamo ng first-degree burn sa noo ang 2-anyos na bata, habang sa braso naman nagtamo ng parehong pinsala ang isang 50-anyos na babae.

Nasunog naman ang kaliwang balikat at braso ng isang 32-anyos na babae.

Bagama’t wala pa ring mga pangalan ang mga napaulat na sugatan, kapwa nasa ibat ibang pagamutan na ang mga biktima.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nagsimula ang sunog dakong alas-8:27 ng umaga at umabot sa ikalawang alarma dakong alas-8:40 ng umaga.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang BFP upang matukoy ang pinagmulan ng sunog

Alas-9:29 naman ng umaga nang tuluyang maapula ang sunog. Merly Duero

Previous articlePGH muling tatanggap ng pasyente sa Marso 18
Next articleLRT-2 tigil-biyahe sa March 28-31