Home NATIONWIDE LRT, MRT operating hours target palawigin ng DOTr

LRT, MRT operating hours target palawigin ng DOTr

MANILA, Philippines – Inaalam ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na palawigin ang oras ng operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) kasunod ng pagkakatalaga ni Seretary Vince Dizon.

Ito ay matapos magpahayag ng pagkabahala ang ilang komyuters tungkol sa uling biyahe sa gabi na alas-10 lalo na ang mga nagtatrabaho nang gabi.

Kinilala ni Dizon ang mga hamon ng pagko-commute,na tinawag itong “painful experience”.

Sa kanyang pagsakay sa EDSA Bus Carousel, tinukoy ni Dizon ang ilang isyu kabilang ang hindi magandang integrasyon ng EDSA Bus CArousel at MRT sa ilang istasyon ay hindi pare-pareho ang mga oras ng paghihintay para sa mga bus.

Upang matugunan ang mga ito, pinag-iisipan ng DOTr na magpatupad ng 45-segundong stop duration para sa mga bus na magsasakay at magbaba ng mga pasahero.

Tinitignan din ng ahensya na lumikha ng isang dedikadong concourse at ams malinaw na signage para sa mga pasaherong lumilipat sa pagitan ng EDSA Bus Carousel at MRT.

Bukod dito, pinaalalahanan ni Dizon ang mga motorista na ang paggamit ng EDSA Busway ay illegal.

Plano rin ng DOTr na makipag[ulong sa mga toll operator para talakayin ang pagpapatupad ng cashless toll collection system para mapadali ang operasyon.

Tiniyak din n i Dizon sa publiko na gagawa ng mga hakbang upang maiwasang maulit ang pagsisikip ng trapiko sa Valenzuela , dulot ng mga nabigong RFID readers. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)