Home NATIONWIDE Lucena-Calamba-Lucena trips ng PNR, nagbalik naNATIONWIDETOP STORIES Lucena-Calamba-Lucena trips ng PNR, nagbalik naOctober 21, 2024 14:181700 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Balik-operasyon na ang Philippine National Railways (PNR) nitong Lunes, Oktubre 21 para sa ruta nitong Lucena-Calamba-Lucena.Umalis ng Lucena Station ang unang biyahe nito bandang alas-5 ng umaga.Ang mga tren sa biyaheng ito ay hihinto sa mga sumusunod na istasyon kung saan maaaring sumakay at bumaba ang mga pasahero:San Pablo; Calamba; Sariaya; Lutucan; Candelaria; Tiaong (Lalig); IRRI; College; Los Baños; Masili; at Pansol. RNT/JGC