Home OPINION MGA PINOY SA ISRAEL ISAMA SA ‘BAKWIT’

MGA PINOY SA ISRAEL ISAMA SA ‘BAKWIT’

93
0

MAY nakahanda bang programa para sa mga posibleng magbabakwit mula sa bansang Israel?

Nagtatanong lang tayo habang sinusubaybayan natin ang giyerang Israel versus Hamas, Hezbollah, Iran, Houthi, Iraq militants at iba pa.

Pinakahuling pangyayari ang pagbomba ng Hezbollah sa tahanan mismo ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu sa Caesaria, Israel.

Nauna rito, pinaulanan ng Iran ang Israel ng 200 missile nitong Oktubre 1, 2024 at marami ang nakalusot at bumagsak sa Tel Aviv na may maraming Pinoy, dalawang military airbase at iba pa.

Naging katulad ng mga missile ang mga drone na sumalakay sa tahanan ni Netanyahu.

Bagama’t may mga napabagsak na drone, isa sa mga ito na tumarget at sumabog sa bahay ni Netanyahu ang hindi.

LIBO AT MILYONG BAKWIT

Kaugnay nito, lumitaw na daan-daan kundi man libong Pinoy ang kasama sa mga bakwit sa northern Israel para maiwasan ang mabangis na laban ng Hezbollah at Israel sa lugar.

Sa pambobomba naman ng Israel, lalo na southern Lebanon, mahigit nang 1.2 milyon ang umalis sa lugar at hindi basta makabalik dahil ginawagawa ng Israel na parang istayl Gaza ito na sira lahat ang tahanan at walang hanapbuhay.

Daan-daan o libo ring Pinoy na nadiskarilan ng buhay at ari-arian sa south Lebanon, kasama ang Beirut na kapital ng bansa.

Marami sa mga Pinoy bakwit sa north Israel at south Lebanon ang kasambahay at iba pang uri ng pangangamuhan o trabaho na kapag nagbakwit ang kanilang mga amo o employer, kasama rin sila.

GUTOM, PAGHIHIRAP AT KAMATAYAN

Apektado ang mga Pinoy worker, overseas Filipino worker sa karaniwang tawag, sa mabangis na giyera sa loob ng mga bansang Israel at Lebanon.

Kung nagugutom at naghihirap ang daang libong bakwit na Israelita, gayundin ang 1.2M bakwit na Lebanese at dayuhan, gutom at paghihirap din ang nararanasan ng kanilang mga kasambahay at obrerong Pinoy.

Marami sa Lebanon, halimbawa, ang wala nang hanapbuhay makaraang iwanan sila ng mga employer dala ang kanilang mga passport.

Maaaring nangyayari ito sa mga bakwit sa Israel.

At dahil sa pagtigil ng padala o remittance ng mga OFW, may gutom at paghihirap din sa kanilang mga pamilya sa Pinas.

Pero pinakamatinding alalahanin ang posibleng pagkadamay ng mga OFW sa mga panganib na humahantong sa kamatayan o pagkaparalisa.

Ang missile ng Iran at drone ng Hezbollah na bumabagsak sa Israel ay nakasusugat at nakamamatay.

PROGRAMANG BAKWIT NASAAN?

Hindi natin makukuwestiyon ang gawain ng pamahalaan ngayon sa Lebanon na pilit na sinasalo ang mga gustong umuwi o lumikas sa ibang lugar o bansa.

Kakaunti lang kasi sa mahigit 11,000 OFW sa Lebanon ang umuwi sa Pinas sa kawalan ng kanilang mapapasukan o hanapbuhay na makagbibigay sa kanila ng makataong kalagayan at magandang kinabukasan.

Pero sa gitna ng lahat, gaano na ba kahanda ang pamahalaan sa pagbabakwit hindi lang sa Lebanon kundi maging sa Israel na may 40,000 Pinoy?

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here