Home OPINION COA SA P27B DEPED PROJECT NG MGA KONGRESMAN, NASAAN?

COA SA P27B DEPED PROJECT NG MGA KONGRESMAN, NASAAN?

HANGGANG ngayon, wala pa tayong naririnig na anomang opinyon ang Commission on Audit ukol sa kabuuang P27 bilyong proyekto ng mga kongressman para sa mga pagtatayo ng school rooms at repair ng mga ito sa Department of Education.

Binubuo ang P17 bilyon ng P10B noong 2023 at P17B ngayong taon.

Ayon sa lantarang paghahayag mismo ni Vice President Sara Duterte, nadiskubre niya mismo sa mga rekord sa General Appropriations Act o batas sa pambansang pondo noong 2023 at 2024 ang mga nasabing proyekto na wala sa kamay ng DepEd habang nakaupo pa siyang Kalihim ng nasabing ahensya ng gobyerno.

Isa pa, ayon sa lantaran din niyang pahayag, noong 2023, may badyet para sa school room building at repair na P5B at pagkatapos maaprubahan ito, karipas nang tumakbo ang ilang kongresman sa kanya upang humingi ng komisyon.

Nang tumanggi siya, hayun, nagproyekto mismo ang mga kongresman ng sarili nilang DepEd projects na nagkakahalaga ng P10B.

Ayon pa rin kay VP Sara, ngayong 2024, dahil ayaw niyang may mangongomisyon, hayun at nagproyekto ulit umano nang sarili ang mga kongresman ng P17 bilyon para sa DepEd at alam ito ng mga senador sa Senate hearing budget.

Ngayon naman, lumipas na ang 2023 at lumilipas na rin ang 2024 ngunit wala tayong nababalitaang ulat ng COA sa mga project ng mga kongresman at lalong walang nakikitang usok sa lupa man o sa langit na iskam sa P27B projects na ito mismo sa hanay ng mga kongresman.

Pero ang maliit na P73 milyong confidential and intelligence fund ni VP Sara at hindi pa tapos sa COA study ang ibinabando ng mga kongresman na pinakamalaking iskam sa gobyerno.

Ang mga kongresman, higit pa sa mga santo at anghel samantalang si VP Sara, eh, demonyita?

Ngeeeeh! Kakatakot naman!