Home OPINION KUMPLETOS REKADOS ANG LEGISLATIVE AGENDA NI ORETA

KUMPLETOS REKADOS ANG LEGISLATIVE AGENDA NI ORETA

86
0

HINDI matatawaran ang naging accomplishment ni Malabon lone district congressional aspirant Antolin ‘Lenlen’ Oreta lll bilang three-term mayor ng lungsod.

Kaya kapag naluklok ang beteranong lingkod bayan ay nakakasiguro ang mga Malabonian na napili ang tama at karapat dapat na maging representante nila sa Mababang Kapuluan.

Kumpletos rekados ang inilatag na legislative agenda  – mula sa murang pabahay, tulong sa mga bulnerableng sektor hanggang sa proteksyon sa mga kababaihan at LGBTQIA+ community.

Sakaling mailuklok na kongresista, itutulak ni Oreta ang isang panukalang batas na sisiguro sa proteksyon at pagsasali ng mga kababaihan sa economic development ng bansa.

Ayon sa long-time public servant, sa ilalim nito ay garantisado ang tuloy-tuloy na suporta para sa mga ina, solo parent, byuda, breadwinner, young women, mga babaeng biktima ng gender-based violence at kababaihang nangangailangan ng tulong para sa trabaho, kabuhayan, serbisyong-medikal, lalo higit sa panahon ng emergency at kalamidad.

Isusulong din ang isang komprehensibong Anti-discrimination policy para sa mga miyembro ng  LGBTQOS + community.

Layon, aniya, nitong magbigay ng social protection, magsulong ng pagkakapantay-pantay at ito rin ang pipigil sa anomang uri ng karahasan sa LGBTQIA + members.

Sa usaping pangkapaligiran, pasok sa ’10 priority legislative agenda’ ni Oreta ang pagrepaso sa Clean Air Act upang masiguro ang pagprotekta sa kapaligiran sa pamamagitan nang pagtalima sa air quality guidelines ng World Health Organization.

Itutulak din ang development ng renewable resources ng enerhiya gaya ng solar, hangin at tubig gayundin ang pagbuo at implementasyon ng mas episyente at epektibong flood management system.

Si Oreta ang arkitekto ng tinatamasa ngayong kaunlaran ng Malabon kaya walang dudang maisakatuparan ang mga balaking legislative agenda dahil siya’y certified working public servant.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here