Isang mapalad na mananaya ang nanalo ng Lotto 6/42 jackpot na nagkakahalaga ng mahigit P13 milyon sa draw noong Martes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang masuwerteng kombinasyon—10-22-31-28-11-14—ay nagbigay sa nagwagi ng kabuuang premyo na P13,131,506.60.
Samantala, wala namang tumama sa jackpot ng iba pang malalaking lotto draws.
Ang Super Lotto 6/49, na may P46,892,645 na jackpot, ay nanatiling hindi napapanalunan matapos walang tumugma sa numerong 41-40-16-34-20-28.
Ganun din sa Ultra Lotto 6/58, kung saan ang P49,500,000 na premyo ay walang nanalo matapos mabunot ang mga numerong 54-36-51-56-21-26. RNT