Home ENTERTAINMENT Luis, abswelto sa estafa!

Luis, abswelto sa estafa!

417
0

Manila, Philippines – Masayang-masaya ang kampo ni Luis Manzano nang maabswelto sa kasong syndicated estafa laban sa pamunuan ng Flex Fuel Petroleum Corporation.

Nitong August 9, Miyerkoles ay pormal nang isinampa ng NBI ang kaso sa Taguig Regional Trial Court laban kay Ildefonso Medel Jr. na presidente ng nasabing fuel company.

Dawit ang labing-isa pang katao.

Matatandaang inireklamo ang Flex Fuel ng ilang investors na naglagak ng kanilang investment sa pangakong may parte sila sa negosyo.

Pero walang natuloy sa ipinangakong ‘yon.

Si Medel ay childhood friend ni Luis at tumayo pang best man nang ikasal ito kay Jessy Mendiola.

Maging si Luis ay may dapat habulin na aabot sa P66 million investment.

Itinanggi ng TV host-actor na may kinalaman siya sa scam dahil 2021 pa raw siya nagbitiw bilang chairman of the board ng Flex Fuel.

Matatandaan ding sa guesting ng ina ni Luis na si Vilma Santos sa Fast Talk with Boy Abunda early this year ay sinabi ng aktres na kilala niya ang kanyang anak.

Hindi umano naniniwala ang Star For All Seasons sa paratang ng ibang tao.

Samantala, wala pang response ang kampo ni Medel sa dahilang hindi pa raw nila nababasa ang reklamo.

Magugunita ring may cryptic post noon si Jessy tungkol sa ilang taong hindi dapat pagkatiwalaan.

‘Yun daw ang klase ng taong ilalagay ka sa alanganin.

Obyus na patungkol ‘yon sa mga taong lubos na pinagkatiwalaan ni Luis only to drag him into this mess.

That’s Lesson #1 on Friendship 101. Ronnie Carrasco III

Previous articleSuspek sa pagpatay sa Educadorian prexy candidate, napatay din!
Next articleKanseladong flights ngayong Huwebes sa bagyong Khanun

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here