Home ENTERTAINMENT Luis at Jessy, parehong busy, umatras sa pangalawang baby!

Luis at Jessy, parehong busy, umatras sa pangalawang baby!

Manila, Philippines- Just when they said they were ready para sundan na si Baby Peanut ay biglang nagbago ang isip ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola.

No, hindi family planning ang dahilan.

Rather, pareho na silang magiging busy sa kanilang respective careers.

Muling pumirma si Luis ng kontrata sa kanyang home studio, ang ABS-CBN.

Magho-host kasi siya ng bagong game show, ang Rainbow Rumble.

At presstime, no details yet are avallable tungkol sa format nito.

Pero batay sa program title na may “rainbow,” may kaugnayan ba ito sa LGBTQIA+ community?

With regard to Jessy, she’s back in Star Magic.

Obyus na may kasunduan ang celebrity couple to defer their plan sa pagkakaroon uli ng supling.

Kunsabagay, limang taon ding namahinga si Jessy in favor of a quiet married life.

Lalo’t isang taong gulang na si Baby Rosie at hindi na gaanong alagain, puwede nang magtrabahong muli ni Mrs. Manzano.

Sorry, Baby Peanut, matatagalan pa bago ka magkaroon ng baby brother or sister. Ronnie Carrasco III