Home METRO Top 5 MWP tiklo sa Parañaque

Top 5 MWP tiklo sa Parañaque

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng joint operation ang mga tuhan ng Parañaque City Police Station (CPS) at Parañaque Maritime Law Enforcement Team na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang suspect na tinaguriang top 5 most wanted person (MWP) sa station level nitong nakaraang Biyernes ng hapon, Hulyo 5.

Kinilala ng Parañaque City police ang inarestong suspect an si alyas Mark, 36.

Ayon sa report ng Parañaque City police na isinumite sa Southern Police District (SPD), naganap ang pagdakip sa suspect dakong alas 5:40 ng hapon sa Novaliches, Quezon City.

Ang pagdakip kay alyas Mark ay naisakatuparan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Parañaque City Regional Trial Court (RTC) Judge Antonio Ray A. Ortiguera noong Hulyo 3, 2020 dahil sa kasong paglabag sa Sec. 12 Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Napag-alaman din na si alyas Mark ay hindi tumupad sa Out-Patient Rehabilitation Order na inisyu naman noong Pebrero 23, 2024 ni Las Piñas City RTC Judge Anne Beatrice Aguana-Balmaceda ng Branch 200 na nakapailalim sa Criminal Case Number 20-0402.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Parañaque City police ang suspect habang naghihintay ng kautusan ng korte sa paglipat ng kanyang pagkukulungan. James I. Catapusan