Home ENTERTAINMENT Luis, sinopla ang basher ni Caloy!

Luis, sinopla ang basher ni Caloy!

Manila, Philippines- Luis Manzano never runs out of ways to endear himself to the netizens most especially to those who don’t miss watching his “Luis Listens” interview vlogs.

Sabihin na nating may tone of sarcasm lagi ang pananalita ng TV host ay natatakpan ito ng kanyang sense of humor.

Ibang klase pa naman kung magbitiw ng mga biro si Luis.

Tulad na lang ng buwelta niya sa isang basher na hindi nagkagusto na ininterbyu niya ang double gold medalist na si Carlos Yulo.

Siympre nga naman, patuloy na pinag-uusapan ang gymnast lalo na ang tungkol sa relasyon nito sa kanyang pamilya.

Kaya sino namang vlogger ang hindi magkakandarapang kapanayamin si Carlos?

But a netizen believed to be a female thinks otherwise.

Para sa kanya, nag-aksaya lang daw si Luis ng kanyang oras.

Kinuwestyon ng female basher kung bakit of all na maaaring isalang sa interview ay si Caloy pa?

Kesyo hindi naman daw kapupulutan ng aral ang panayam sa kanya ni Luis.

Knowing Luis, he wouldn’t let that comment slip him by.

Buwelta ng mister ni Jessy Mendiola: “Available kayo?”

Sapat na ang simple pero tumatagos na sagot na ‘yon para ikaaliw ng ibang netizens.

Hindi pa roon nakuntento ang basher.

Anito, nakakasuka raw panoorin si Carlos kaya para sa kanya ay poor ang rating niya sa interview ni Luis na wala naman daw ka-sense-sense.

If you think Luis chose to keep quiet, hindi pa.

Humirit pa kasi ito ng: “Baka buntis lang po kayo!”

Eh, ‘di nakatikim ng kontra-panonopla ang basher! Ronnie Carrasco III