MANILA, Philippines- Pinalalakas ni Severe Tropical Storm Bebinca ang Southwest Monsoon o Habagat sa pananatili ng lakas nito habang papalapit sa Philippine area of responsibility nitong Huwebes ng umaga, ayon sa state weather bureau PAGASA.
Sa 11 a.m. advisory ng PAGASA, sinabi nitong si Bebinca ay 1,930 kilometers east ng Northern Luzon na may maximum sustained winds na 95 km per hour, gustiness hanggang 115 kph, at central pressure na 990 hPa.
Kumikilos ang severe tropical storm sa direksyong west northwestward sa bilis na 25 kph na may “strong to storm-force winds extending outwards up to 580 km from the center.”
Pinalakas ni Bebinca, magdudulot ang Habagat sa susunod na 24 oras ng moderate to heavy rains sa Masbate, Eastern Visayas, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Palawan, Antique, Negros Occidental, Negros Oriental, Zamboanga del Norte, Sultan Kudarat, Sarangani, at South Cotabato.
Inaasahan naman ang moderate to rough seas hanggang 3.5 meters sa eastern seaboard ng Mindanao, western seaboard ng Palawan saklaw ang Kalayaan Islands, western seaboard ng Visayas, eastern seaboard ng Palawan, western seaboard ng Mindanao, at sa southern at eastern seaboards ng Visayas.
Pinayuhan ng PAGASA ang mariners ng small seacrafts, kabilang ang lahat ng uri ng motorbancas, na huwag maglayag sa karagatan sa ilalim ng mga kondisyong ito.
Inaasahang papasok si Bebinca sa PAR sa Biyernes ng hapon o gabi at maaaring lumabas ng Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.
“Throughout the forecast period, BEBINCA will remain far from the Philippine landmass,” anang PAGASA.
Nagbabadyang lumakas si Bebinca bilang bagyo pagsapit ng Biyernes ng gabi, base sa PAGASA. RNT/SA