Home NATIONWIDE Sapat na badyet sa OVP ibibigay ng Senado

Sapat na badyet sa OVP ibibigay ng Senado

MANILA, Philippines- Naniniwala ang ilang senador na karapat-dapat makatanggap ng opisina ni Vice President Sara Duterte partikular ng sapat na budget.

Sa magkahiwalay na pahayag, inihayag nina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III at Senador Ronald “Bato” dela Rosa na kailangang mabigyan ng sapat na badyet ang Office of the Vice President (OVP) sa susunod na taon.

Sa Viber message sa reporters, sinabi ni Pimentel na dapat mabigyan ng “sufficient budget” upang magampanan ang tungkulin nito alinsunod sa batas.

“Give the OVP sufficient budget to carry out the VP’s constitutional role or responsibility to be ready to be the President at any given second,” ayon kay Pimentel.

“Hence OVP should have budget for: staff, office, utilities, library, briefings, meetings (representation), attendance in conferences, travel both domestic and international,” dagdag niya.

Samantala, inihayag naman ni Dela Rosa na kailangan talaga ng badyet ang OVP kahit nagsalita si Duterte na maaari itong kumilos kahit walang pondo mula sa Kongreso.

“Puwede, pero mahirap. Saan kukuha ng sweldo yung kanyang mga staff, mga tao sa opisina,” ayon kay Dela Rosa sa press briefing.

Umaasa ang dating hepe ng pulisya na naging politiko na susuportahan ng mayorya ng kasamahan ang P2.037 bilyong panukalang badyet ng OVP para 2025 alinsunod sa “time-honored tradition” na mambabatas na ibigay ang “parliamentary courtesy” sa Office of the President at OVP.

“I am sure yung mga kasamahan kong senador will stand by the time-honored tradition na yung top two offices of the government, na bibigyan naman nila ng kaukulang respeto. I’m sure yung mga kasamahan ko dito ay for the preservation of that tradition,” ayon kay dela Rosa.

Kasabay nito, inihayag naman ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na kasalukuyang pang gumugulong ang proseso sa deliberasyon ng buong Kongreso hinggil sa badyet.

Tumanggi ang lider ng Senado na magbigay ng komento sa proseso partikular ang pagbabawas ng pondo sa OVP.

“The budget process is still on-going and I would not want to preempt the House or Senate,” ayon kay Escudero.

“Suffice it to say that it is possible given that Congress has the “power of the purse” but has never happened to the OVP nor to any agency in recent years to my recollection,” dagdag ng senador.

“While seeming to be nonchalant, I am sure the VP cares for the programs and projects that she herself proposed,” aniya pa.

Umaasa naman si Escudero ang malulutas ang sigalot sa pagitan ng OVP at Kongreso kung magbibigayan ang bawat kampo, isantabi ang pagkakaiba at biases, at payagan ang proseso.

“I am hopeful though that the seeming impasse between the OVP and the House will be resolved where either or both would take a step back, set aside their differences/biases, simply follow the process or, at the end of the day, for Congress (in the exercise of its wisdom) to decide on this and other related matters by a vote,” giit ni Escudero.

Ayon kay Escudero, dapat nakakaantok ang deliberasyon ng badyet dahil puro numero pero na dumadagdag sa kabuuan ang drama at kulay dito, hindi ito nakatutulong na malutas ang problema ng  bansa at mamamayan.

“I therefore urge and encourage Heads of Agencies, regardless of their fears, biases or prejudices, to go theough the budget process and let Congress do its Constitutionally- mandated job,” ani Escudero. Ernie Reyes