MANILA, Philippines – Umabot na sa 1,580 ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa nationwide gun ban na may kaugnayan sa paparating na halalan.
Sa mga naaresto, 10 rito ang tauhan mismo ng PNP.
Sinabi ng ahensya na ang mga ito ay nahuli mula Enero 12 hanggang Marso 9, batay sa datos na inilabas ng National Election Monitoring Action Center nitong Lunes, Marso 10.
Nasa 1,510 sa nasabing bilang ang mga sibilyan, 10 ang pulis, 30 ang security guard, walo ang miyembro ng Armed Forces of the Philippines, at anim na dayuhan.
Pinakamataas ang naitalang mga nahuling lumabag sa Metro Manila sa 512, sinundan ng
Central Luzon sa 230, Central Visayas (213), at Calabarzon (123).
Umabot naman sa 1,612 ang bilang ng mga nakumpiskang armas.
Matatandaan na ipinatuapd ng PNP ang nationwide gun ban noong Enero 12. RNT/JGC