Home HOME BANNER STORY Lumahok sa peace rally ng INC, 1.4M na!

Lumahok sa peace rally ng INC, 1.4M na!

MANILA, Philippines – Umabot na sa 1.4 milyon ang bilang ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na lumahok sa peace rally na inorganisa ng religious group sa Quirino Grandstand, sa Maynila.

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 1,410,344 ang nairehistro nilang dumalo sa naturang rally.

Ang nasabing bilang ay mula sa Metro Manila maging sa mga kalapit probinsya gaya ng Cavite, Quezon, Tarlac, Nueva Ecija at Zambales.

Sa aerial footage, makikita na napuno ng mga tao ang Quirino Grandstand maging ang mga nakapaligid na lugar dito.

Nagdulot naman ng masikip na daloy ng trapiko ang peace rally dahil sa mga isinarang kalsada.

Nauna nang sinuspinde ang klase sa Maynila, Pasay, at Makati dahil sa peace rally. RNT/JGC