MANILA, Philippines – Pinuri ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes ang kanilang mga babaeng personnel sa patuloy na paghubog ng leadership sa puwersa.
Noong Pebrero 2026, may 52,223 babae sa 236,493 personnel ng PNP, o 22.08 porsyento. Kabilang dito ang 43,847 uniformed personnel, 8,098 non-uniformed staff, at 278 cadets.
Sa mga senior uniformed ranks, may isang babaeng police major general, limang brigadier generals, at 125 colonels. Ayon sa PNP, ito ay patunay ng kanilang commitment sa gender equality at merit-based advancement.
Ani PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr., ang pag-usbong ng kababaihan sa pamumuno ay nagpapakita ng positibong pagbabago sa tradisyonal na male-dominated na puwersa.
“Sa PNP, hindi gender ang batayan ng kakayahan — ang serbisyo at dedikasyon ang mahalaga,” sabi niya. “Our women officers are out there leading, inspiring, and keeping every community safe.”
Bilang bahagi ng National Women’s Month, patuloy na kinikilala, pinapalakas, at binibigyan ng pantay na oportunidad ang mga kababaihan sa PNP. RNT/MND