Home NATIONWIDE Luzon, Visayas grids isasailalim sa yellow alert ngayong Biyernes – NGCP

Luzon, Visayas grids isasailalim sa yellow alert ngayong Biyernes – NGCP

MANILA, Philippines- Isasailalim ang Luzon at Visayas grids sa yellow alert ngayong Biyernes, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa abiso, sinabi ng NGCP na iiral sa Luzon grid ang yellow alert mula ala-1 hanggang alas-4 ng hapon at mula alas-8 hanggang alas-10 ng gabi.

Ang available capacity sa Luzon ay 14,535 megawatts (MW) habang ang inaasahang peak demand ay 13,751 MW.

Ayon sa NGCP, apat na planta ang nasa forced outage mula 2023, habang dalawa ang patuloy ang operasyon sa derated capacity.

“[These make up] for a total of 1,512.7 MW unavailable to the grid,” anang NGCP.

Samantala, ilalagay ang Visayas grid sa yellow alert mula ala-1 hanggang alas-4 ng hapon at mula alas-6 hanggang alas-7 ng gabi.

Mayroong available Capacity ang rehiyon na 2,791 MW kumpara sa expected peak demand na 2,530 MW.

“[One] plant has been on forced outage since 2022, 2 since 2023, 2 between January and March 2024, and 14 since April 2024; while 8 others are running on derated capacities, for a total of 604.1MW unavailable to the grid,” anang NGCP.

Iniisyu ang yellow alert kapag kulang ang operating margin para tugunan ang contingency requirement ng transmission grid. RNT/SA