Home HOME BANNER STORY Luzon, Visayas grids naka-yellow alert ngayong Huwebes – NGCP

Luzon, Visayas grids naka-yellow alert ngayong Huwebes – NGCP

MANILA, Philippines – Inilagay sa yellow alert ngayong Huwebes, Abril 25 ang Luzon at Visayas grids.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nasa yellow alert ang Luzon grid mula ala-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon, at mula alas-7 hanggang alas-11 ng gabi.

Ang available capacity sa Luzon ay 14,568 megawatts (MW) habang inaasahang ang peak demand ay nasa 13,941 MW.

Ayon sa NGCP, apat na planta ang nasa forced outage mula noong 2023, tatlo sa pagitan ng Enero at Marso 2024, at 12 mula noong Abril 2024. Isa pa ang tumatakbo sa limitadong kapasidad.

“[These make up] for a total of 1,424.3MW unavailable to the grid,” sinabi ng NGCP.

Sa kabilang banda, ang Visayas grid naman ay inilagay sa yellow alert mula ala-1 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon, alas-6 ng gabi hanggang alas-7 ng gabi, at alas-8 hanggang alas-9 ng gabi.

May available capacity na 2,829 MW laban sa inaasahang peak demand na 2,555 MW.

“[One] plant has been on forced outage since 2022, 2 since 2023, 2 between January and March 2024, and 19 since April 2024; while 12 others are running on derated capacities, for a total of 670.8MW unavailable to the grid,” anang NGCP.

Ang yellow alert ay inilalabas kapag ang operating margin ay kulang para matugunan ang contingency requirement ng transmission grid. RNT/JGC